Pagbasa, pagsulat: tungo sa pananaliksik

Type
Book
Authors
Orsal ( Orsal, Cesar D. )
 
ISBN 10
9711011642 
Category
SUBREF  [ Browse Items ]
Publication Year
2006 
Publisher
New Day Publishers, Philippines 
Pages
viii, 120 pages 
Abstract
Alinsunod sa komunikasyong inilatag ng Commission on Higher Education, saklaw ng CMO No. 30, Series of 2004 ang ilang pagbabago sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa tertiary level. Iniaatas ng memorandum na ang unang dalawang basikong asignatura sa Filipino ay Sining ng Pakikipagtalastasan (o ang katumbas nitong Komunikasyon sa Akademikong Filipino) para sa Filipino 1 at Pagbasa, Pagsulat tungo sa Pananaliksik para sa Filipino 2.

Sanhi ng panukalang ito, ang aklat Pagbasa, Pagsulat tungo sa Pananaliksik ay nabuo. Nasang tugunan nito ang paglilinang sa kasanayan ng mga magaaral sa (1) pagbasa nang may sapat na pagkakaunawa; (2) pagsulat ayon . sa istilo, pag-aanyo at pangangailangan ng disiplinang pinag-aaralan ng mga_mag-aaral gaya ng narsing, edukasyon, pangangalakal o humanidades; at (3) pananaliksik na maagham at maanyo.

Ang aklat ay binubuo ng mga teorya sa mga nabanggit na kasanayan at . inangkupan ng mga piling akda, na higit na angat sa karaniwang salaysay o babasahin upang hubugin ang kakayahan ng mga mag-aaral na umunawa sa mga pang-akademikong obra at magkaroon ng kakayahang magsuri ng mga ito. Ang mga pagsasanay sa katapusan ng bawa't aralin ay lalo pang magpapaibayo ng kakayahan ng mag-aaral sa pagbasa, pagsulat at pananaliksik.

Binahagi ang aklat sa sumusunod na modyul-aralin. Ang unang kabanata ay sumasaklaw sa mga konsepto at kaparaanan ng mabisang pagbabasa. Hinuhubog dito ang pagkatanto sa mabisang paraan ng pagbasa, kasanayan sa pagtatala, mapanuring pag-unawa sa binasa. Ang Kabanata 2 ay sumasakop sa pagtunton sa konsepto ng mabuti at maimahinasyong pagsulat. Hangad sa pag-aaral na ito ang pagsasanay sa iba't ibang paraan ng pagsulat, pagbuo ng mga pangungusap, pagtukoy sa mga pamaksang pangungusap, paglilinang sa pagbabalangkas at pagtatalata. Ang ikatlong kabanata ay tumutukoy sa pagsulat na teknikal. Isinama ang kabanatang ito sa paniniwalang bahagi pa rin ng pagsasaliksik ang mga larangan ukol sa pangangalakal, gawaing panteknolohiya gaya ng inheneriya, medisina, at kaalamang pangkompyuter.

Ang mga kaalamang teknikal na ito ay mayamang larangan ng pagsasaliksik, kaya't makabubuting mahasa rin ang mga mag-aaral sa paglikha ng sulatin at pananaliksik na panteknikal. Ang huling kabanata ay naglalaman ng mga aralin na sumasakop sa teorya at pagsasanay sa pananaliksik. Sa kabanatang ito, nililinang ang kabihasaan sa paggamit ng iba't ibang larangan ng sanggunian, ang iba't ibang lapit o pagdulog sa pananaliksik, ang pag~ aaral sa mga teoryang maaaring gamitin bilang saligan ng mga pananaliksik at mekanismo at tekniko ng paglikha ng pamanahunang papel. Inaasahan na sa pagtatapos ng pag-aaral sa aklat na ito, ang mga magaaral ay magkakaroon ng kabihasaan sa pagsulat ng mga pananaliksik. Sa pamamagitan ng paggiya ng guro, ang mga mag-aaral sa katapusan ng kursong Filipino 2 ay makabubuo ng mabisa, mahusay, at kapakipakinabang na pananaliksik na makikita sa kanilang pamanahunang papel. Bilang karagdagang paghahasa sa kasanayan sa pagbasa, pagsulat at pananaliksik, ang aklat ay nagtipon ng mga halimbawang babasahin na maaaring pag-usapan at suriin ng mga guro at mag-aaral. Ang mga babasahing ito ay hindi lamang may nasang hubugin ang kahusayan ng mag-aaral sa mga nabanggit na gawain kundi pati na rin ang paglilinang sa kanilang disiplinang pansarili, kamalayang pulitikal, ispiritwal, cultural, at panlipunan at kabuluhang ng paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng kanilang piniling disiplinang pampropesyunal. 
Description
Ill. ; 27 cm
Includes bibliographic reference 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.